1
General Discussion / Re: EPP-ICT and Entrrep
« on: October 03, 2022, 11:01:50 am »
Upang maging isang mabuting mamamayan kailangan natin maging responsable sa pag gamit ng social media katulad nalang ng pagmumura sa social media. Huwag magmumura sa kahit na anong social media sites na meron ka. Huwag mong gawin ito galit ka man o masaya. Isipin mo na lang ang mga batang makakabasa niyan. Kung malaman mo na sayo pala natuto ang batang iyon magmura, maipagmalaki mo kaya? Isa pa, ang mga nanay na makakabasa niyan. Sa tingin mo magiging maganda kaya ang tingin nila sa mga magulang mo? Iisipin nila na ganyan ka pinalaki ng mga magulang mo kahit na hindi naman. Sa pagmumura mo hindi lang sila apektado, pati na rin ang mga taong nakakabasa niyan.