1
General Discussion / Ano ang mabuti at masamang epekto ng teknolohiya sa atin?
« on: August 21, 2024, 12:08:21 pm »
Ang paggamit ng mga teknolohiya ay may kaagapay na responsibilidad. Nakadepende ito kung papaano natin pahalagahan at gamitin ito ng tama. Madami sa panahon natin ngayon ang nawawala sa tamang direksyon dahil sa hindi tamang paggamit nito sa panahon ngayon. Kung ating iisipin, ang bawat bagay sa mundo ay may positibo at negatibong epekto sa ating pgkatao. Ang resulta ay nakadepende sa atin kung papaano natin pahahalagahan ang pakinabang nitong dala. Bilang studyante, ito ay madaming naitutulong upang mas mapadali natin ang ating mga gawain. Kung sa bawat paggamit kailangan na marunong tayo sa kung ano ang mga nararapat.